Duterte, ipinag-utos ang pagtaas ng monthly ‘ayuda’ sa P500 mula P200

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang buwanang ayuda para sa poorest of the poor sa bansa, sa P500 mula sa P200, sa gitna ng tumataas na presyo ng lana at iba pang basic commodities.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng mga batikos na natanggap ng gobyerno, kaugnay sa alokasyon na P200 sa isang buwan bilang cash aid sa mga tinukoy ng Department of Social Welfare and Development na poorest families.

Umaasa naman ang pangulo na malaki ang maitutulong nito, at huwag lang sayangin sa e-sabong.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sinabi rin ni Duterte kay Finance Secretary Carlos Dominguez, na gamitin ang lahat ng perang available para pondohan ang P500 monthly allowance, at hayaan ang susunod na administrasyon na harapin ang consequences. //MHEL PACIA-TRINIDAD