Duterte, nanindigang magiging ‘neutral’ sa May polls

Personal na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mag-eendorso ng sinumang presidential candidate sa May 9 elections, sa gitna ng mga panawagan ng mga kaalyado na suportahan si Ferdinand Bongbong Marcos.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Sa pagdalo nito sa joint meeting ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC’s) at ng Regional Task Force (RTF) Central Visayas, binigyang diin ni Duterte na magiging neutral siya.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Binigyang diin ni nito na sa kanyang pagpunta sa naturang aktibidad ay hindi maikokonsiderang pangangampanya, dahil wala umano siyang ikinakampanya na sinuman kandidato.

Matatandaan na inendorso na ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction ang presidential candidacy ni Marcos.