Handa umano si dating pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa mga kasong ihahain dito – basta ba’t hindi ito idaraan sa International Criminal Court.
Sa isang panayam, sinabi ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na batid umano ng dating pangulo na wala na itong immunity.
Dahil dito, kung sino man aniya ang mga may balak na sampahan ng kasong kriminal si Duterte ay hindi nila pipigilan pero dapat ito ay isampa sa Pilipinas.
Sakali mang makitaan ito ng probable cause, willing aniya ang dating pangulo na humarap sa Korte.
Samantala, kung ipilit man aniya ng International Criminal Court na mayroon itong hurisdiksyon sa mga kaso ni Duterte – posible itong mag-request ng termporary restratining order.
Binatikos din ni Roque ang mga petisyuner na naghain ng kaso laban kay Duterte sa ICC.
Giit nito, dapat ay mag-resign na sila sa kanilang legal profession kung sa tingin nila ay walang kakayahan ang ating mga local courts na mabigyan ng hustisya ang mga Pilipino.
Sa huli, nanindigan si Roque na hindi na kailangan pang bumalik ng Pilipinas sa huriskdiksyon ng ICC.
Aniya, bagamat isa siya sa mga nagsulong noon na maging kasapi ng ICC – tila binabalewala na raw ngayon nito ang mga lokal na Korte sa Pilipinas.
#