‘Centaurus’ subvariant, nakapasok na sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health na nakapag-detect na rin ito ng omicron BA.2.75 subvariant sa bansa.

Sa DOH Media Forum, sinabi ni OIC Maria Rosario Vergeire na naitala ang dalawang mga kaso nito sa Region 6.

Ang isa rito ay partially vaccinated, habang ang isa naman ay hindi pa nababakunahan.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin tukoy ang kanilang mga exposures at inaalam pa ang kanilang travel history ngunit pareho nang ‘tagged as recovered’.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Samantala, naitala rin ang 1,015 na mga bagong kaso ng BA.5 kung saan 883 na ang gumaling, habang 84 ang nananatili sa isolation.

Lahat ng rehyon ay nakapagtala nito maliban sa Regions 9 at 10; habang tatlo sa kanila ang mga returning overseas Filipinos.

Pinakamaraming naitala sa Region 6 na mayroong 304 cases, na sinundan ng Metro Manila sa 209; at 122 sa CALABARZON.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Samantala, 26 naman ang mga bagong kaso ng BA.4 kung saan 21 na ang recovered; habang 2 pa ang under isolation.

17 sa naturang bilang ay fully vaccinated na.

Sa BA.2.12.1 naman, 18 ang mga bagong kaso kung saan, 13 na ang gumaling, habang apat pa ang under isolation.

Sa kabuoan, 3,012 na ang mga kaso ng BA.5 sa bansa; 97 na BA.4; 172 na BA.2.12.1; at dalawang bagong kaso ng BA.2.75.
#