Naniniwala si Justice Secretary Boying Remulla na tila ay mayroon nang ‘political agenda’ na nasa likod ng ‘di umano’y pagpupumilit ng International Criminal Court na manghimasok sa ating soberanya.
Ito ang naging tugon ng Justice Secretary matapos kumpirmahin kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos na walang balak ang gobyerno na muling magpasailalim sa hurisdiksyon ng ICC.
Sa isang panayam, nanindigan si Remulla na mayroon naman tayong functioning na justice system.
Paliwanag ni Remulla, may kakayahan pa naman ang Hudikatura ng Pilpinas na habulin ang mga nagkakasala.
Pumapasok lang naman aniya ang ICC kung ang isang bansa ay walang justice system na umaandar.
Inihalimbawa nito ang Sudan na inilarawan niyang ‘magulo’ kaya puwedeng manghimasok dito ang ICC.
Kagaya umano ng Amerika – ang mga bansang umiiral naman ang magandang demokrasya ay hindi na kinakailangan pang sumali pa sa ICC.
#