Mananatili si Dave Ildefonso sa Blue Eagles ng Ateneo de Manila University hanggang sa final season ng UAAP.
Umiskor si Ildefonso ng 11.64 points, 5.07 rebounds at 3.21 assists kada laro sa elimination round.

Nauna ng naiulat ang interes ng basketball player sa Korean Basketball League (KBL) at Japan’s B. League.
Samantala, nag-post siya ng ‘one final year for the Blue and White’ sa kanyang Instagram story.
(ARGIE ERGINA)