Posibleng maapektuhan ang ikalawang bugso ng Bayanihan, Bakunahan campaign dahil sa nagbabadyang pagpasok ng bagyo sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nakatakda silang makipag-ugnayan sa PAGASA upang makapagsagawa ng kinakailangan adjustment sa mass vaccination drive na itinakda sa December 15 hangang 17.

Nabati na batay sa tropical cyclone advisory ng PAGASA ay sinabi nito na huling namataan ang sentro ng tropical depression sa layong 1,900 km kilometers silangan ng Mindanao.
Inaasahang lalakas pa ang bagyo sa isang tropical storm sa susunod na 24-oras at sa isang typhoon bukas ng gabi, o sa umaga ng Miyerkules.
Posible ang pag-landfall ng weather disturbance sa Eastern Visayas-Caraga Area sa gabi ng Miyerkules o sa umaga ng Huwebes.
Malaki din ang tiyansa na maitaas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, kung saan ay maaring umabot ang pinakamataas sa signal number 4.