Defense chief : PH magiging ‘neutral’ lang sa invasion ng Russia sa Ukraine

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mananatiling neutral ang Pilipinas sa ngayon, sa harap ng ginagawang pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay Lorenzana, mahigpit na binabantayan ng mga otoridad ang developments sa Ukraine, pero tumanggi ito na magbigay ng bigat na pahayag laban sa Russia, sa kabila ng mga naunang pagkondena mula sa ilang world leaders.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Iginiit naman ng defense chief na hindi siya nababahala na madadawit ang Pilipinas sa giyera, pero sa kabila nito ay naghahanda parin ang tropa ng bansa.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Aminado naman ito na makakaapekto ang krisis sa Pilipinas, pagdating sa usapin sa presyo ng lana. //MPT