DTI tiniyak ang sapat na suplay ng pagkain sa pagbabalik ECQ sa Metro Manila

Tiniyak ng Department of Trade and Industry na hindi magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain sa gitna nang napipintong pagbabalik sa Enhanced Community Quarantine ng Metro Manila sa darating na Agosto 6 hanggang a-bente.

Dahil dito sinabihan ni Trade Secretary Ramon Lopez ang publiko na hindi kailangan ng food hoarding dahil papayagan naman ang mga ito na makalabas para bumili ng pagkain.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Una nang nilinaw ng DTI na hindi magsasara ang mga groceries at pamilihan kahit pa itinaas sa mag mas mahigpit na quarantine restrictions ang ilang lugar sa bansa.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Nabatid na muling ipapapatupad ang ECQ sa NCR upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang delta variant matapos maitala ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.