DTI, naglabas na ng SRP para sa Noche Buena items

Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng suggested retail prices (SRPs) ng Noche Buena products para sa impormasyon at gabay ng mga consumers sa harap ng papalapit na holiday season.

Ayon sa DTI, ang SRP guide ay kinabibilangan ng mga produkto gaya ng ham, keso de bola, cheese, sandwich spread, mayonnaise, pasta—gaya ng spaghetti noodles, elbow at salad macaroni— spaghetti sauce, tomato sauce, at all-purpose cream.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kaugnay nito, nagpasalamat ang DTI sa mga manufacturers dahil sa pagtalima sa panawagan na huwag magtaas sa mga presyo ng kanilang produkto.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Pagpuri ng ahensya, ito ay pagpapakita ng sense of solidarity sa mga consumers ngayong Kapaskuhan sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Samantala, tiniyak naman ng DTI’s Consumer Protection Group (CPG) ang availability ng suplay at price stability ng Noche Buena items para sa consuming public.