DTI: iwasan ang hoarding ng groceries sa gitna ng paparating na bagyo

Hinimok ng Department of Trade and Industry  ang mga mamimili na iwasan ang pag-iimbak o hoarding ng mga groceries sa gitna ng paparating na bagyo.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, napag-alaman nila na may ilan ang bumibili ng malaking halaga ng produkto para ibenta sa mas mataas na halaga sa panahon ng pangangailangan, katulad ng kalamidad.

Sa kabila nito, siniguro ng DTI sa publiko na handa ang mga manufacturer na tugunan ang suplay ng mga produkto kahit pa manalasa ang super typhoon.

Batay sa market monitoring ng DTI, sapat pa naman ang suplay ng mga basic goods sa mga pamilihan.

Siniguro rin ng DTI na walang paggalaw sa presyo ng pangunahing bilihin sa susunod na 2 buwan lalo na ngayong inaasahan pa ang pagtama ng malakas na bagyo sa bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *