Ikinokonsidera ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang pagpapaliban ng pamamahagi ng ayuda kapag may banta ng sama ng panahon.
Ito ay kasunod ng pagkamatay ng walo katao sa Tanay, Rizal nitong Sabado na kukuha lang sana ng pinansyal na ayuda.
Sa panayam, sinabi ni Assistant Secretary Romel Lopez ang tagapagsalita ng DSWD, hindi na nila hahayaang maulit muli ang pangyayari kaya kailangan nilang isaalang-alangang ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan maging na rin ng mga kukuha ng ayuda.
Matatandaang nitong Sabado, pitong senior citizens at isang 5-taong-gulang na bata ang nasawi nang tangayin ng rumaragasang tubig ang jeep na kanilang sinasakyan sa Barangay Sta. Ines matapos mag-withdraw ng ayuda sa Tanay, Rizal.
Tumatawid ang sinasakyan nilang jeep sa ilog nang magbalahaw umano ang sasakyan at kalaunan ay hinampas ng rumaragasang tubig sa ilog.
Samantala, sinabi ni Lopez na magbibigay ang DSWD ng psychosocial counseling at cash assistance sa mga kaanak ng biktima.
RELATED STORY:
