DSWD, tiniyak ang kahandaan sa Bagyong Julian

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development sa publiko na sapat at naka-preposition ang mga family food packs (FFPs) sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng Tropical Depression Julian.

Ayon kay Assistant Secretary for Disaster Response Management Group at Spokesperson Irene Dumlao, may kabuuang 153, 575 Family food packs ang nakaantabay sa mga probisniya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, Apayao, Mountain Province, Abra, Benguet, at Kalinga

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant
Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Bukod naman sa Luzon, mayroong kabuuang 17,621 FFPs ang nakaantabay din sa mga lalawigan ng Bukidnon at Misamis Oriental na inaasahang tatamaan ng paparating na sama ng panahon bukod pa sa magdadala ito ng mga biglaang pag-ulan.