DSWD, pinaplanong rebisahin ang proseso ng transfer of funds sa mga LGU

Nakatakdang rebisahin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang proseso ng pagbibigay ng mga ayuda sa mga Local Government Unit matapos sinasabing ayuda scam.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DSWD spokesperson Asec. Romel Lopez, sinabi nito na nagkaroon na ng intenal investigastion kaugnay sa usapin at walang sinoman mula sa kanilang ahensya ang dawit dito.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Paliwanag ni Asec. Lopez, matapos na mag-comply ang LGUs sa requirements para sa ayuda ay kanila ng tina-transfer ang funds at mula doon ay mga lokal na ahensya na ang namumuno sa distribution.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Una rito, sa isinagawang public hearing ng Committee on Public Order hinggil sa Ayuda Scam sa Davao Del Norte at Davao Del Sur, kinuwestisyon ng isang Senador ang pagbibigay ng ayuda ng DSWD dahil sa tila nananakaw pa ang tulong na para sana sa mga nangangailangan.