Apat, kabilang ang isang estudyante – patay matapos araruhin ng isang bus

Umakyat na sa 4 ang naitalang patay habang 29 ang sugatan matapos ang karambola ng 5 sasakyan sa Bangal, Dinalupihan, Bataan nitong miyerkules.

Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng Arayat Express bus nang araruhin nito ang 4 na sasakyan kabilang ang isang pampasaherong jeep na rutang Olongapo-Dinalupihan, matapos mawalan ng kontrol sa mga preno nito.

Isinugod ang mga biktima James L. Gordon Memorial Hospital at Dinalupihan District Hospital para sa agarang medikal na atensyon.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Base sa ulat, isang freshmen student mula sa Gordon College ang kabilang sa nasawi at isa pang estudyante mula sa parehong institusyon, ang kabilang din sa mga nasugatan na nasa maayos ng kalagayan.

Nasa stable na rin ang kondisyon ng driver ng pampasaherong jeep habang mahigpit na binabantayan ang kalagayan ng iba pang biktima.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Mahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, at damage to properties ang driver ng bus.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng kapulisan ang lahat ng motorista na maging mas maingat, responsable at maging alerto sa lahat ng oras habang nagmamaneho sa mga kalsada.