LEGAZPI CITY – Ngayong araw ay nakatakdang pag-usapan ng Philippine Coastguard (PCG) Bicol, Tabaco City LGU, at iba pang mga opisyal ang tungkol sa pagtatapunan ng mga nasirang bigas na nasa loob pa ng MV Sky Fortune Vessel hanggang sa ngayon at ang ukol sa responsibilidad ng mga LGUs.
Ayon kay Albay Governor Noel Rosal, ang napiling lugar na pagtatapunan ng 21K sakong bigas ay ang bayan ng Malinao o Malilipot ng nasabing lalawigan.
Aniya, kailangan lamang ng approval mula sa LGUs na pagtatapunan ng nasirang bigas upang masimulan na ang pagtanggal nito sa vessel.
Halos inabot ng 6-7 buwan sa Tabaco Port ang barko nang hindi pa natatanggal dahil mayroon pang ayusing dokumento ang may-ari ng bigas at vessel.
Maliban pa rito, hihingi na rin ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa OWWA para sa deportation ng mga Indonesian.
Nais din ng gobernador, sa gabi nito ipapatrabaho ang paglilipat nang nasirang bigas na magsisimula 10pm hanggang 5 ng umaga.
Samantala, ipinauubaya na rin nito sa Philippine Coastguard ang mga gagawin para sa tamang pagtatapon ng bigas na magiging katuwang nito ang Lgu, pnp at iba pang opisyal ng gobyerno.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang magiging pinal na desisyon na lugar ng kanilang pagtatapunan ng bigas.