PLDT, ibinalita na naibailik na ang kanilang serbisyo sa karamihan ng mga lugar na tinamaan ng Odette

Inanunsyo ng local telecommunication firms sa bansa na mayorya ng sites nito na tinamaan ng Super Typhoon Odette ay naibalik na, ngunit nanatili pa rin walang serbisyo sa ilang lugar.

Sa advisory ng PLDT inc. ay sinabi nito na 96% na gumagana na muli ang kanilang wireless sites sa Mindanao nitong December 19, alas-9 ng umaga.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Nanatili naman walang signal ang ilang sites nito sa Surigao del Norte, kabilang na ang Siargao, Misamis Oriental at Dinagat Islands.

Sa Visayas naman ay sinabi ng PLDT na 78% ng wirless sites nito ang naka-up na, pero dahil sa commercial power failure at iba pa na may kinalaman sa transmission breaks ay meron pa rin ilang bahagi ang walang signal.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Para sa Cebu, Bohol, Leyte, at Negros provinces ay naayos na ang 54% ng serbisyo nito.

Patuloy naman inaayos ang mayorya ng mga apektadong lugar sa Palawan, habang nanatiling inaccessible ang maraming daanan.