Class suspension, ipinatupad sa ilang mga bayan at barangay sa Bicol na nakaranas ng dahil sa LPA

Ilang araw nang nararanasa ng rehiyong Bicol ang walang tigil na pag-ulan dulot ng  Low Pressure Area (LPA).

Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) Bicol, may mga lugar sa rehiyon na nakapagtala ng pagbaha dahil sa pagbuhos ng malalakas na ulan.

Inihalimbawa nito ang bayan ng Palanas, Masbate, kung saan 30 pamilya ang inilikas sa Brgy. Sta. Cruz, dahil sa mga naitalang pagbaha sa lugar na sumabay pa sa high tide.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa ngayon ay patuloy pa rin namang kumakalap ng impormasyon ang ahensya sa mga MDRRMO at CDRRMO na mayroong inilikas na mga pamilya.

Samantala, naglabas na rin ng abiso mula sa LGU Leagzpi sa pamumuno ni Mayor Geraldine Rosal ng class suspension at  dahil ditto, maagang pinauwi ang mga mag-aaral sa Rawis Elementary School matapos malubog sa baha ang kanilang paaralan kahapon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kaugnay nito ay nagsuspinde rin ng pasok sa lahat ng antas ang ilang mga bayan kabilang na ang Sto. Domingo, Daraga, Camalig, at Guinobatan sa Albay habang wala ring pasok sa mga bayan ng Mobo, Batuan, at Ezperanza sa Masbate.

Kanselado rin ang pasok sa mga bayan ng Virac, San Miguel, at Baras sa Catanduanes gayundin sa bayan ng Pilar, Gubat at Sorsogon.