Inihayag ng bagong Department of Social Welfare and Development (DSWD) Chief na si Secretary Erwin Tulfo na handa siyang makipagtulungan kay dating Vice President Leni Robredo sa Angat Buhay Pilipinas.
Ayon kay Tulfo, ito din umano ang gusto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – ang magkaroon ng unity o pagkakaisa sa bansa.

Aniya, dapat wala umanong kulay ang pagsuporta kung saan sinabi niya na malaking-tulong sa kanilang ahensya ang naturang organisasyon ni Robredo.
Samantala, pormal ng inilunsad ng dating bise presidente ang nasabing non-government organization na inaprubahan ng Securities and Exchange Commission (SEC). (ARGIE ERGINA)