DSWD Bicol nagpahayag ng suporta kay incoming Secretary Erwin Tulfo

CAMARINES NORTE- Suportado  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang mga programa na nais isulong  ni incoming Secretary Erwin Tulfo sa pag upo nito sa pwesto.

Sa Media Forum na isinagawa sa bayan ng Daet kahapon sinabi ni DSWD Regional Director Leo Quintilla na sinuman ang maging lider ng ahensiya ay inaasahan na umano nila mayroong mga pagbabagong ipapatupad.

Aniya narinig na nila ang pahayag ni Tulfo na nais nitong pabilisin ang pagbibigay ng mga serbisyo ng ahensiya, maging epektibo at efficient.

Ang DSWD Bicol umano ay nangangakong magko- contribute at susuporta sa uupong bagong kalihim.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa naturang forum din ay ibinida ni Quintilla sa Camarines Norte media ang mga naging accomplishment ng DSWD Bicol noong 2021 at sa unang quarter ng 2022 kasabay ng testimonya ng ilang mga nakinabang sa iba’t- ibang programa ng ahensya.

Sa pagtatapos naman ng Media Forum kahapon ay ipinaabot ni Quintilla sa lahat ng empleado ng DSWD Bicol ang pasasalamat sa kanila ni outgoing Secretary Rolando Bautista

Matatandaan na una nang nangako si Tulfo na ipagpapatuloy at paiigtingin ang social protection programs ng DSWD.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kasunod yan ng naging pagpupulong sa pagitan niya at ni Bautista kung saan napag usapan ang organizational structure, programa, mga serbisyo, at nagawa ng ahensiya.

Sa naturang pagpupulong din ay sinabi ng incoming Secretary na kabilang sa kaniyang adbokasiya ay ang pagtanggap sa hamon na maipagpatuloy ang mga nagawa ng kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa  nito na kaniyang itutuloy ang social protection programs ng DSWD para sa mga mahihirap na sektor kasama na ang mga Person With Disability (PWD) at senior citizen.