Mahigit 3K mga mahihirap na estudyante, bibigyan ng education assistance ngayon year 2022-2023 – PED Albay

LEGAZPI CITY – Nagbibigay ngayon ang Provincial Government of Albay ng tulong pagdating sa Financial Education Assistance sa mga mahihirap na estudyante para sa school year 2022-2023.

Ayon kay Provincial Education Department Chief Roman Chambaerlane Zuñiga, nasa mahigit 3K mga estudyante mula sa mahihirap na mag-aaral sa elementarya, sekondarya at kolehiyo na nasa pampubliko at pribadong paaralan ang mababahagian ng nasabing tulong sa lalawigan ng Albay.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Naglaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng P6.5M para sa tulong pang-edukasyon sa mga mahihirap na estudyante.

Target ng kanyang tanggapan ang hindi bababa sa 3,250 program beneficiaries na tatanggap ng P2,000 bawat isa.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Inaatasan ng PED Albay ang mga aplikante na magsumite ng kanilang mga sertipiko ng indigency at mga tala mula sa kanilang mga paaralan bilang patunay na sila ay kasalukuyang naka-enroll, at mga dokumento bilang patunay na sila ay naninirahan sa lalawigan.