DSWD Bicol, dismayado sa mga gumagamit ng kanilang pangalan at AICS Program sa pang scam

CAMARINES SUR- Dismayado ang Bicol Regional Director ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) o DSWD sa mga gumagamit ng kanilang pangalan upang makapang scam.

Ayon kayRD Norman S. Laurio hindi nag-aabot ng ayuda ang DSWD sa pamamagitan ng digital wallets. Ang pahayag ng opisyal ay kaugnay ng sumbong sa Brigada News FM Naga na matapos siyang humingi ng tulong sa istasyon para sa pamangking namatay, may mga tumawag na personahe umano ng DSWD Camarines Sur at tutulong sa pamamaigtan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Noong sapilitan nang humihingi na ng one-time password doon na pinatayan ng telepono ang scammer.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City
Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Hindi kasama sa kanilang pamamaraan ng pag abot ng ayuda ang E-wallets, cash itong ibinibigay. Kaya kung sino pa ang gagawa nito ay huwag na huwag paniniwalaan.