DSWD at LGU maglalagay ng Incident Management Team sa lugar kung saan mamahagi ng educational assistance

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglalagay ng Incident Management Team sa lugar kung saan mamamahagi ng educational assistance simula sa Sabado hanggang sa mga susunod na pay out.

Ayon kay Social Welfare Officer III Claudio Villareal Jr, ng DSWD Provincial Office nakipag ugnayan na sila sa Local Government Unit para maging maayos at organisado ang pagpi- pay out.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ngayong darating na Sabado ay gagawin ang pay out sa SM City Daet kung saan inaasahang nasa 1, 642 ang magki- claim ng cash assistance mula sa bayan ng Daet at San Vicente.

Maliban naman sa email notification ay magpapaskil din umano ng listahan ng mga eligible beneficiaries sa mga LGU.

Paalala ng DSWD sa mga magki- claim na magdala ng alinman sa mga sumusunod;  School ID, certificate of enrollment, statement of account o anumang pagpapatunay o dokumento na ang estudyante ay enrolled ngayong School Year 2022- 2023.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Kung magulang ang magki- claim dahil menor de edad ang estudyante dapat itong mag presinta ng ID.

Kung hindi pwede ang magulang at ibang tao o kaanak ang magki –claim dapat mayroong authorization galing sa magulang.