COVID- 19 vaccination coverage sa mga batang edad 5- 11 sa Camarines Norte halos 18 % pa lang

CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan kontra COVID- 19 sa mga batang edad 5- 11 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination operation center  hanggang nitong Huwebes, Agosto 25, 2022 nasa 17. 9 percent pa lang ang nababakunahan  sa naturang age group.

Sa target na  68, 347 nasa 12, 258 pa lang ang nababakunahan.

Ang pinakamataas na porsiento ng mga nabakunahan ay sa Capalonga na nasa 47. 2 percent .

Sa target kasi na  3, 775 ay nasa 1, 781 na ang nababakunahan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sinusundan ito ng Basud na mayroon nang 33. 6 percent.

Sa target na 4, 805 nasa 1, 613 na ang nakakatanggap ng bakuna.

Pumapagatlo ang bayan ng San Vicente na nakapagbakuna na ng  30. 6 percent.

Mayroon itong target 1, 217 at sa bilang na ito ay nasa 373 ang nabakunahan.

Habang ang bayan naman ng Talisay at San Lorenzo Ruiz ay kapwa mayroon nang 26 percent.

Nasa  805 ang nabakunahan sa Talisay sa target na 3, 028 habang ang San Lorenzo Ruiz naman ay nakapagbakuna ng  432 sa target na 1, 647.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Pasok din sa top 5 municipalities na may pinakamarami nang porsiento ng batang nabakunahan sa naturang age group ang Mercedes na may 24. 9 percent.

Sa target na 5, 956 nasa 1, 485 ang nabakunahan na.

Ang capital town na Daet ay nasa 19. 5 percent pa lang ang nababakunahan sa naturang age group.

Sa target na 12, 282 2, 395 pa lang nag nababakunahan naturan pa ding age group

Photo: File