DFA, muling nanindigang pinal na ang ruling na pumapabor sa Pilipinas sa WPS

Muling nanindigan si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na dapat ay i-respeto at kilalanin ng lahat ng mga claimants sa South China Sea ang inisyung ruling ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sa pagharap ni Manalo sa 10th ASEAN Maritime Forum at 12th Expanded ASEAN Maritime Forum (EAMF) na isinagawa dito sa bansa, hinikayat ng diplomat ang lahat ng mga delegado ng ASEAN na i-review ang 2016 Arbitral Award ng UNCLOS.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Aniya, pinal na ito at ang mga inilatag na mekanismo sa ilalim ng ruling ay dapat kilalanin bilang isang international law.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Samantala, inilarawan din ni Manalo bilang isang ‘tagumpay’ ang ginagawang page-establish ng mga maritime zones ng UNCLOS para maresolba ang mga overlapping na claims ng iba’t ibang mga bansa sa pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Matatandaaang dinaraos ngayon ang naturang summit sa Manila kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng UNCLOS.
#