KORONADAL CITY – NAKAPAG-RELEASE na ang Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12 ng P 501 million na cash grant sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa unang limang buwan ng 2023.
Inihayag ni Audrey Soliva, information officer ng DSWD 12 sa 4Ps na nakinabang dito ang 139, 911 na mga mahihirap na pamilya na covered ng programa.
Pinakamalaking nairelease ay para sa mga benepisyaryo sa Cotabato province na umabot sa P 152 million, P 108 million sa Sultan Kudarat, P 142 million sa South Cotabato, P 98 million sa Saranggani province at P 30 million sa General Santos City.
Sa datos ng DSWD 12, umabot na sa 214,298 na mga pamilya ang benepisyaryo ng 4Ps sa Soccsksargen.
Ayon kay Soliva na hindi dole out ang 4Ps dahil may mga kondisyon na kailangang sundin ang mga benepisyaryo upang hindi matanggal sa programa.
