KORONADAL CITY- MAY sapat na Family Food Packs o FFP’s ang Department of Social Welfare Development o DSWD-12 sa oras ng kalamidad sa Rehiyon-Dose.
Ito ang inihayag ni Dennis Dominggo II, information Officer ng DSWD-12 sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal. Ayon kay Dominggo, nasa 30,000 na mga Family Food Packs o FFP’s ang buffer stock ngayon ng DSWD-Region-12.
Dagdag pa ni Dominggo, na nagbibigay lamang umano ang mga ito ng augmentation sa oras na mayroong mga lgu na himihingi ng tulong sa oras ng kalamidad ngunit hanggang sa ngayon wala pa naman umanong bayan o lungsod na nagre-request.
