Pagtatatag ng National DNA database, aprub na sa Senado

Aprubado na sa Senado ang Senate Bill 2474 o ang panukalang naglalayong itatag ang National DNA database.

Naniniwala si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na sa pamamagitan ng hakbang na ito, mas magiging epektibo ang pagkamit ng hustisya sa Pilipinas.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Higit na matutulungan din aniya nito ang mga otoridad, lalo na ang mga pulis na resolbahin ang mga nangyayaring krimen.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Magagamit rin umano ng mga prosecutors ang naturang database para mahabol ang mga nasa likod ng insidente.

Samantala, sa ilalim ng panukalang ito, inaatasan ang PNP Forensics Group-DNA laboratory division sa pangangasiwa ng DNA database.