Drug queen Yu Yuk Lai, pumanaw matapos magpositibo sa COVID-19

Inanunsyo ng Bureau of Corrections na pumanaw na ang convicted Filipino-Chinese drug queen na si Yu Yuk Lai mula sa acute myocardial infarction.

Ayon kay BuCor spokesperson Gabriel Chaclag, nagpositibo si Yu sa COVID-19 at na-confine ito sa East Avenue Medical Center sa loob ng isang linggo.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Matatandaan na naaresto si Yu kasama ang pamangkin nito na si William Sy noong 1998 matapos nilang magbenta ng tatlong kilo ng shabu sa isang buy-bust operation.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Noong taong 2000 naman ay nahuli si Yu ng mga operatiba ng dating Presidential Anti-Organized Crime Task Force na naglalaro sa isang hotel-casino kahit dapat ay nasa ilalim ito ng hospital arrest.