Drug pusher, timbog sa buy-bust sa Bacacay, Albay

LEGAZPI CITY – Timbog ang isang lalaking tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sogod, bayan ng Bacacay, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Popoy”, residente ng nasabing barangay.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang “shabu”.

Nang magkaabutan ng drug items, saka ito hinuli ng mga operatiba at nakumpiska pa ang ilang piraso ng kaparehong item na may timbang na 1.5 grams na nagkakahalagang PHP10,000 .

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Agad itong dinala sa Bacacay Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.