Drug den sinalakay sa Ocampo Camarines Sur

NAGA CITY – Arestado ang isang dating miyembro umano ng Philippine Army at 8 na iba pa sa operasyon Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at ng PNP sa Barangay Hibago, Ocampo Camarines Sur, gabi ng Mayo 15, 2023.

Ayon kay PDEA-Camarines Sur Provincial Officer Mark Anthony Viray, 3 buwan ang naging monitoring sa bahay nang 44-anyos na si Jay Odiame y Torrecampo, dating myembro ng Philippine Army at konsideradong nasa PDEA Provincial Target List. Tatlong  buwan na minanmanan ang lugar.

Naabutan doon ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, ang pagkakahuli sa suspek ay resulta ng mga nauna nang operasyon sa bayan ng Tigaon at San Jose Camarines Sur kung saan lumitaw ang pangalan ni Odiame na isa sa mga nagsusupply ng illegal na droga sa partido area.

Aabot naman sa 10 gramo na nagkakahalaga ng P68K ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa pag-iingat ng suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *