Drug charges vs de Lima, tuloy – DoJ

Hindi iaatras ng Department of Justice ang mga kasong kinahaharap ni Senadora Leila de Lima hinggil sa ‘di umano’y ugnayan nito sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Ito ay kahit na nagsipag-kambyo na ang ilang mga pangunahing testigo sa kaso at sinabing sapilitan lamang sila pinaamin para idawit ang Senadora.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, matapos ang masinsinang review ng prosecution panel sa mga ebidensya, mayroong nakitang dahilan para ituloy ang ‘active prosecution’.

Sa ngayon aniya, hanggat hindi pa naiprepresenta sa Korte at nasusuri ang mga ginawang recantation ng mga testigo – hindi pa rin ito tuluyang makaaapekto sa kaso.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Samantala, sinabi naman ni Prosecutor General Ben Malcontento na hindi nila kokontrahin ang hiling ni de Lima na medical furlough.

Matatandaang humirit ang kampo ng senadora sa Muntinlupa court ng furlough dahil sasailalim ito sa isang ‘major procedure’ sa Manila Doctor’s Hospital mula June 19 hanggang 25.
#