Droga, baril at mga bala, nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa isang miyembro ng Gutierrez drug syndicate sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Nasamsam ng mga awtoridad ang iligal na droga baril at mga bala sa isinagawang buy bust operation laban sa isang miyembro umano ng Gutierez drug syndicate sa Purok-1, Barangay Tawig, Paracale, Camarines Norte noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Paracale Municipal Police Station kinilala lang ang suspek sa alyas na “Jojo” 50,na isa ring bet collector ng small town lottery (STL) at residente sa nabanggit na lugar.

Nakuha sa nasabing operasyon ang isang piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu at isang  improvised na maliit na container na nabalutan ng kulay itim na electrical tape na naglalaman ng apat na piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Tinatayang umaabot sa timbang na humigit kumulang 0.3 gramo ang mga nasamsam na iligal na droga na umaabot sa halagang Php 2,000.00.

Narekober din sa nasabing operasyon ang isang sling bag na naglalaman ng hinihinalang kalibre 38 rebolber na kargado ng tatlong bala.

Read More:  Barangay chairman of Barangay Lamintak Sur, Medellin arrested for qualified theft

Nasa kustodiya  ng Paracale Municipal Police Station ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Sa isang pahayag sinabi ni Camarines Norte PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor na hindi titigl ang PNP sa paglulunsad ng mga operasyon kontra iligal na droga na parang anay umano na unti-unting sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.