Catanduanes, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 nitong weekend

BNFM BICOL—Walang kahit isa man na aitalang bagong kaso ng  COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes nitong nagdaang weekend.

Batay sa ulat ng Department of Health-Bicol, zero new cases ang naturang probinsya nitong Sabado at Linggo habang tatlo naman ang mga naitalang bagong recoveries, isa ang gumaling nitong Sabado habang dalawa naman kahapon, araw ng Linggo.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Bunsod nito, base sa huling tala ng Provincial Health Office, nasa 19 na lamang ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan mula sa kabuuang 2,759 na mga naitalang kumpirmadong kaso.

Sa 11 bayan sa Catanduanes, ang kabiserang bayan ng Virac ang nananatiling may pinakamaraming aktibong kaso ng sakit na mayroong pito; lima naman sa bayan ng Gigmoto; tig-dalawa ang mga bayan ng Caramoran at Viga habang tag-iisa ang mga bayan ng Pandan, Panganiban at Bato habang COVID-19 free na ang apat na mga natitirang bayan.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Patuloy ang paalala ng PHO sa bawat Catandunganon na matamang sundin ang mga umiiral na COVID-19 health protocols kasunod na rin ng naging banta ng DOH sa posibilidad ng muling pagtaas ng sakit ngayong holiday season.###