PHO umapela sa publiko na suportahan ang ikalawang leg ng national vaccination days na nag umpisa ngayong araw

CAMARINES NORTE- Umapela ang Provincial Health Office (PHO) sa publiko na suportahan ang ikalawang leg ng tatlong araw na national vaccination days na nag umpisa ngayong araw December 20.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet nanawagan si acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa mga taga Camarines Norte na lumabas at magpabakuna kontra COVID- 19.

Aniya, maraming mga pasilidad ngayon ang magsasagawa ng pagbabakuna tulad ng mga Rural Health Unit (RHUs) gayundin ang mga ospital.

“Ako po’y nanawagan na ating suportahan ang part 2 ng national vaccination days natin ngayon, umpisa po ngayong araw,” ani Francisco.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

“Ngayon po marami- raming pasilidad, RHU at the same time mga  hospital na sumasali ngayon sa bakunahan na ito, ang aming panawagan sila po sana, yung ating mga kababayan ay pumunta doon sa mga RHU at mga opsital kung saan sila ay magpapalista ng kanilang pangalan.”

Positibo naman ang naging pagtugon ng mga taga Camarines Norte sa pambansang bakunahan.

Sa katunayan, hindi pa halos sumisikat ang araw ay mahaba na ang pila sa Central Plaza Mall dito sa Daet at sa iba pang vaccination sites.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Target ng probinsiya na makapagbakuna nag nasa 78, 150 sa loob ng tatlong araw.

Mayroon itong daily target na  26, 050 na mas mababa sa 40, 000 noong unang leg ng pambansang bakunahan.

Bago naman mag alas 8 ng umaga ay nag umpisa nang mag ikot si Francisco sa mga vaccination site.

Una nitong binisita ang Outpatient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) para mag inspeksyon.

Nakipagpulong rin ito sa vaccination team ng CNPH bago mag ikot sa iba’t- ibang bayan.