Pedicab driver patay nang ma mabangga ng van sa Camarines Sur

NAGA CITY – Patay ang isang pedicab driver matapos na mabangga ng van sa Calabanga, Camarines Sur; ang driver ng van ay aminadong nakaidlip.

Napag-alaman ng BNFM Naga kay PMSg Nancy Berbon, Information Officer ng Calabanga PNP, nakaidlip umano ang driver na kinilalang si April Reqiunta Azañes, 52-anyos ng La Purisima, Calabanga habang nasa biyahe galing sa isang pagamutan sa lungsod ng Naga, lulan ang isang pasyente.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Pagdating sa Brgy. San Vicente, hindi nito napansin ang isang nakaparadang pedicab na minamaneho ng 47-anyos na biktimang si Roberto Cenisa na lulan naman ang 2 menor de edad.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng matinding sugat sa ulo at sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kamatayan at ikinasugat ng isa sa mga sakay nito.

Paalala ng mga otoridad sa publiko, itabi ang sasakyan kung inaantok upang maiwasan ang anumang disgrasya.