Matatagpuan sa pitong lokasyon sa Metro Manila ang mga drinking at health monitoring station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sakop sa pitong lugar ang EDSA-Timog, EDSA-Roxas Boulevard, EDSA-Ortigas Avenue, EDSA-Quezon Avenue, EDSA-Oliveros, Commonwealth Avenue, at C5 Ortigas.
Bukas ang nabanggit na health station hindi lamang para sa mga kawani ng MMDA kundi pati na rin sa mga motorista at mga rider na bumabiyahe.
Samantala, ipapatupad naman ng ahensya ang kanilang heat stroke break ngayong araw para maibsan ang init ng panahon.