Dr. Tony Leachon – sinampahan ng cyberlibel ng isang pharma company re: ‘pharma scam’

Naghain ng kasong cyberlibel sa NBI ang mga opisyal ng Bell-Kenz Pharma laban kay public health advocate Dr. Tony Leachon kaugnay ang isyu ng ‘pharma scam.’

Ayon kay Leachon, pinag-aaralan na nila ang mga detalye ng isinampang kaso.

Malinaw umanong paglilihis ito sa mahahalagang issues na target busisiin ng mga senador.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ang ginawang paghahain aniya ng kaso ay isang ‘desperate effort’ na patahimikin ang tapat na imbestigasyon at manipulahin ang public opinion.

Mariing sinabi ni Leachon na kasabay ng mga hamon, nananatili siyang committed sa pagprotekta sa ethical standars ng healthcare sa Pilipinas.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Mababatid na ang Bell-Kenz Pharma Inc ay kasalukuyang isinasailalim sa Senate inquiry dahil sa posibleng mga ethical violations sa medical field.

Nakatakda ang naturang kumpanya para sa further investigation bukas, May 22, 2024.