Babae nasawi sa Iloilo City sa kasagsagan ng bagyong Odette

Isa ang naiulat na nasawi sa Iloilo City sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Odette.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas agad binawian ng buhay ang isang 54-anyos na babae matapos tamaan ng kawayan na inilipad papunta sa kanilang bahay.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Sinabi ng Alkalde na patuloy pa rin silang naghihitay ng mga ulat mula sa ground upang maisapinal ng kanilang CDRRMO ang kanilang report.

Paglalarawan pa ni Treñas nagtumbahan ang mga puno at poste ng kuryente sa kanilang lugar na sinabi pa niyang pinakamalakas na bagyo na kanyang naranasan sa kanyang buhay.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Maraming mga pamamahay din umano ang nasira at natanggalan ng bubong dahil sa hagupit ng bagyong Odette.

Patuloy naman ang assessment na ginagawa ng pamahalaan lokal sa danyos na idinulot ng nagdaang bagyo.