DPWH at Provincial Engineering Office iimbitahan sa pagpupulong ng mga Alkalde  sa sususnod na buwan

CAMARINES NORTE- Nakatakdang imbitahan ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)- Camarines Norte Chapter ang District Engineers ng Department of Public Works and Highways at Provincial Engineering Office para pag usapan ang hinggil sa sitwasyon ng mga kalsada sa lalawigan.

Sa susunod na buwan ay magpupulong muli ang mga Alkalde sa Camarines Norte at isa sa pag uusapan ay ang isyung binuksan ni Talisay Mayor Donovan Mancenido kamakailan  hinggil sa mga aksidenteng nangyayari lalo na sa kahabaan ng Maharlika Highway.

Ayon sa Alkalde marami na ang namamatay sa aksidente bunsod na rin ng sitwasyon ng mga kalsada.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Isa umano sa nakikita niyang solusyon ay ang paglalagay ng mga rotonda sa ilang mga bayan kabilang na ang Talisay.

Nais umanong malaman ng  Alkalde kung saan maaaring humingi ng pondo para sa nabanggit na proyekto.

Samantala, sinamantala naman ngayon ng mga tauhan ng DPWH ang pagsasaayos sa mga lubak- lubak na kalsada.

Puspusan ang trabaho ng maintenance crew para matambakan ang mga lubak na posibleng maging sanhi rin ng mga aksidente.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Noong mga nakaraang linggo ay nagsagawa ng pagtatambak ang DPWH sa mga lubak na kalsada pero hindi ito nagtagal bunsod ng malakas na buhos ng ulan.

Ang iba kasi ay wala namang aspalto o kung mayroon man ay masyadong kakaunti at ang itinambak lang ay lupa at buhangin na nawa- wash out kapag umuulan.

Panawagan ng netizens sa ahensiya na ayusin daw sana ang trabaho at huwag panandalian lang ang mga solusyon.

Kapansin- pansin kasi na hindi maganda ang kalidad ng proyektong kalsada kaya hindi ito nagtatagal.