Inihayag ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na kanila nang ipinatutupad ngayon ang New Meter Reading Billing Collection and Disconnection sa lalawigan.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay ALECO spokesperson Candy Apostol, sinabi niyang tuwing ika-23 araw ng buwan ay magsisimula ang meter reading at kinokonsiderang day 1.
Aniya, nasa day 1 ang meter reading at billing; pagsapit naman ng ika-9 na araw ay makikita na ang due date ng konsumer.
Nilinaw naman ni Apostol na kahit pa mayroong due date, nagbibigay pa rin ang ALECO ng dalawang araw na grace period sa mga konsumer upang bigyang-pagkakataong ma-settle ang kanilang mga babayaran.
Pagsapit naman ng ika-12 araw mula sa day 1, kung hindi pa makabayad ang mga konsumer sa loob ng itinalagang araw ay mag-uumpisa na ang disconnection activity.