Camarines Norte nanguna sa deworming program sa Bicol sa ikalawang round noong 2022

CAMARINES NORTE- Nanguna ang lalawigan ng Camarines Norte sa buong Bicol Region sa ikalawang round ng mass deworming program noong 2022.

Ito ay kahit bumaba ang bahagdan ng mga na -deworm sa panahong nabanggit  kumpara sa unang round.

Sa datos mula sa Provincial Health Office, nasa 86 percent ang deworming coverage ng lalawigan na sinusundan ng Albay na nasa 83 percent.

Habang ang iba pang mga lalawigan sa Bicol ay mababa ang porsiento ng mga batang na- deworm tulad ng Camarines Sur na nasa 69 percent, Catanduanes 67 percent, Masbate, 51 percent at ang pinakamababa ay ang Sorsogon na mayroon lang 45 percent.

Sa kabuuan nasa 86 percent lang ang deworming accomplishment sa rehiyon sa ikalawang round.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa unang round ay nanguna ang Albay na may 94 percent na sinusundan ng Camarines Norte 91 percent, Catanduanes 82 percent, Sorsogon 70 percent, Camarines Sur 65 percent at pinakamababa ang Masbate na may 59 percent.

Sa kabuuan nasa 74 percent ang deworming accomplishment sa rehiyon sa unang round.

Nakapagtala naman ng 91 percent over- all accomplishment ang Camarines Norte sa unang round kung saan halos lahat ng bayan ay nakakuha ng mataas na porsiento maliban sa Daet na naka 79 percent lang.

Ang mga bayan na nakaabot sa target at lumagpas pa ay ang San Vicente na may 104 percent, Jose Panganiban 102 percent at Capalonga 100 percent.

Sa second round ay bumaba sa 86 percent ang accomplishment ng lalawigan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa katunayan may hindi pa umabot sa kalahati ang accomplishment at ito ay ang Mercedes na mayroon lang 40 percent habang ang Daet naman ay napako sa 79 percent at ang San Lorenzo Ruiz ay 80 percent.

Mahalagang ma- deworm ang mga bata dalawang beses sa isang taon.

Dati nang inihayag ng PHO na may mga magulang na inaakala na hindi importante ang deworming lalu na kung ang mga bata ay bihira namang maglaro sa labas o sa lupa.

Pero iginiit ng PHO na mahalaga ito para sa kalusugan ng mga bata at walang dapat ikatakot ang mga magulang sa ibinibigay na gamot

Ginagawa ang deworming dalawang beses sa isang taon, Hulyo at Enero para masigurong ligtas sa bulate ang bata.