DOTr, nilinaw na hindi ibenebenta ang MRT-3

Itinanggi ng Department of Transportation ang mga naunang ulat kaugnay sa umano’y privatization sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Paglilinaw ng DOTr, na ikinokonsidera lang nila ang posibleng privatization sa operasyon at maintenance ng railway system.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Ang DOTr at ang Metro Rail Transit Corporation Corp. ay lumagda ng build-lease-transfer agreement noong 1997 para sa konstruksyon ng MRT-3 sa EDSA, kung saan sa ilalim ng naturang scheme, ang ahensya ang hahawak sa koleksyon ng pamasahe, habang ang consortium naman ang in charge sa maintenance ng mga tren.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Ang naturang kasunduan ay nakatang magpaso sa 2025.

Binigyang diin ng departamento, na ang pag-privatize sa operations at maintenance ng MRT-3 ay magpapababa sa operational cost para mapanatili ang abot-kayang pasahe. //MHEL PACIA