Ibinida ng Department of Tourism (DOT) ang mga accomplishments ng turismo ng Pilipinas sa inaugural ng Philippine Tourism & Hotel Investment Summit 2024.
Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia-Frasco, simula noong pandemic – nag-evolve ang metrics para sa tourism performance at success.
Sa buong mundo, nasusukat umano ang performance ng industriya sa pamamagitan ng visitors receipts.
Kaugnay nito, pagmamalaki ni Frasco na ‘performing phenomenally’ ang turismo ng bansa.
Mababatid na P509B ang tourism investment ng Pilipinas noong 2023.
Thirty-four percent ang inilago nito kumpara noong taong 2022.