Ibinasura ng DOJ panel of prosecutors ang hiling ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. sa kaso kaugnay ng pagpatay kay Gov. Degamo.

Ayon sa isa sa mga abogado ni Teves na si Atty. Andres Manuel, iginiit ng prosecution panel na naging patas sila sa preliminary investigation ng kaso ng mambabatas sa kabila ng mga aksuasyong nai-impluwensiyahan sila ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.
Iginiit ng kampo ni Teves na ang kanilang motion for inhibition ay hindi lamang nakatuon sa panel kundi sa buong kagawaran.
Binigyan ng hanggang July 17 ng prosecution panel ang kampo ni Teves para maghain ng counter affidavit.