LEGAZPI CITY – Personal na inabot ng Local Government Unit (LGU) sa Polangui South Central Elementary School ang tulong o donasyon para sa pagsasaayos ng reading room sa nasabing paaralan.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, isa pang gusali na pinaglipasan na rin ng panahon kung saan maaaring gawing Reading Room ng parehas na paaralan na sa ngayo’y nasa hindi magandang kundisyon.
Aniya, pagtutuunan ng pansin ang gusali upang mapakinabangn para sa paghahanda ng pagbablik eskwela.
Kung hindi man umano mahanapan ng pondong pagkukunan mula sa lokal na pamahalaan ay sisikapin pa rin ng Alkalde na makahanap ng pondo upang mapaayos at magamit ng mga mag-aaral sa face to face classes.
Hinikayat rin ang mga estudyante sa pagbabalik eskwela sa paaralan sakali man na pangalagahan at ingatan ang kanilang silid aralan upang mayroong magamit ito panghabang buhay ngayon panahon ng pandemya.