Naiulat ng Pilipinas ang 4,131 na bagong COVID-19 cases mula March 7-13, na 35% na mas mababa kumpara kaysa sa mga napaulat na kaso noong nakaraang linggo.
Ayon sa DOH, nasa 590 ang daily average para sa naturang linggo.
Read More: Romualdez camp says Bonoan may be pressured to link former speaker to flood control probe
Ipinapakita rin ng datos na nasa 1,006 ang severe at critical cases na kasalukuyang naka-admit.
Mula naman sa 3,598 na ICU beds, 19.6% ang okupado habang nasa 17.2% naman ng non-ICU COVID-19 beds ang patuloy na ginagamit.
Mula sa mga bagong kaso ngayong linggo ay nasa tatlo lamang ang severe o critical cases.
Samantala, nasa mahigit 64.5 million na indibidwal o 71.71% ng target population ng gobyerno ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
