Donasyon para sa lolang 20 taon nang hindi nakita ang mga anak, naihatid na ng Brigada at SGLGRC

Naihatid na ng Brigada News FM ang pinagsama-samang donasyon para kay Lola Teresita Villanueva sa Sitio Landing Brgy. Aporawan sa bayan ng Aborlan nitong Sabado.

Katuwang ang SGLGC o Security Guard and Lady Guard Riders Club Palawan Chapter ay naging matagumpay ang Brigadahan sa Mamamayan kaya labis ang pasasalamat ni lola Teresita nang maiabot sa kanya ang mga donasyon, tulad ng bigas at groceries.

Si Lola Teresita, 77 anyos  ay mag-isang namumuhay ngayon kaya hirap siyang makabili o makakuha ng pangangailan tulad ng pagkain at gamot.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa ngayon, ang tanging umaalalay sa kanya ay ang kapitbahay na si ginoong Joevy Lihaylihay na naghahatid sa kanya ng pagkain at iba pa.

Samantala, hangad ni lola Teresita na makita pa ang  apat na anak na sina Velania Gusorso, Rolando Gusorso, Gina Gusorso at Perlita Gusorso.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kwento niya sa Brigada, naiwan sa Manila ang kanyang mga anak nang siya ay pumunta dito sa Palawan taong 2001 upang magtrabaho pero hanggang ngayon ay wala siyang balita kung nasaan na ang mga ito.

Samantala, nitong nakaraang Huwebes ay aksidenteng nahulog sa hinihigaan si Lola Teresita kaya iniinda nito ang pananakit ng dibdib lalo sa tuwing siya ay magsasalita, bukod dito ay mas lalo pa siyang nahirapang tumayo kaya hinihiling niya na magkaroon ng tungkod upang makapaglakad ng maayos.