Donaire vs. Inoue rematch, nilalakad na para sa Abril – report

Nakikipag-negosasyon umano ngayon si Probellum CEO Richard Schaefer kay Japanese promoter Akihiko Honda para sa rematch, sa pagitan nina WBC world bantamweight champion Nonito Donaire Jr. at WBA at IBF world bantamweight champion Naoya Inoue.

Read More:  Alex Eala climbs to career-high No. 17 in WTA rankings

Ayon kay Schaefer, ito ang isa sa pinakamalaking laban na kanilang magagawa sa sport.

Binigyang diin naman nito na hindi siya makakapagsabi para kay Inoue, pero alam umano niyang itong laban rin ang gusto ng Japanese fighter.

Read More:  NLEX sweeps Phoenix, advances to PBA Governors’ Cup semifinals

Matatandaan na nagtapat si Inoue at Donaire noong 2019, kung saan ang Japanese superstar ang nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision, matapso ang twelve hard-fought rounds.