Naniniwala si WBC Bantamweight World Champion Nonito Donaire Jr. na kaya niyang i-knockout ang pinoy WBO titlist na si John Riel Casimero.
Sa isang panayam sinabi ni Donaire na kahit pa Filipino vs Filipino ang magaganap na laban, kabang-abang pa rin ito dahil pareho silang nasa top sa kanilang division.
Sa ngayon nakapokus na umano ang ‘The Filipino Flash’ sa kanilang sagupaan ni Casimero na magaganap sa Agosto 14.
“Apparently I’m the biggest hooker out there so I’m ready to go (laughs). He’s a tough guy but I know that I have the capability of knocking anybody — if I was knocking guys out at 126, walking in at this weight, I know I can knock anybody at 118.” saad pa ni Donaire.
Inihayag naman ng 4-time division world champion na target pa rin niya na maka-rematch si Naoya Inoue na tumalo sa kanya noong November 2019.
